Verse 1
Ano ba ang sa tawag sa 'di ko nga syota?
Pero kayakap ko naman sa gabi
Nagtatawanan, nag-iinuman
Ibang-iba kung tayo'y magkatabi
Pre-Chorus
Matagal na magkaibigan
Ba't ayaw niyo pang simulan?
'Di namang kailangang ligawan
Sa'yong-sa'yo na ako
Chorus
Giliw, mukha ba 'kong 'di kasugal-sugal?
Giliw, hindi mo ba 'ko papanindigan?
Ano pa ba ang hanap mo?
Sabihin mo lang kakayanin ko (Magsabi ka lang, magsabi ka lang)
Post-Chorus
Aamin na 'ko, hindi pa tayo
Ang labo-labo, isa lang ang klaro
Sa'yong-sa'yo na ako
Verse 2
Daming nag-aakala, hindi nga mag-syota
Pero kung maka-text, oh, 'kala mo naman
Tawag nang tawag kasi merong problema
Alas tres na pero 'ge papunta na
Pre-Chorus
Ang tagal na nating kaibigan
Ba't ayaw mo pang ma-ibigan?
'Di namang kailangang ligawan
Heto ako sa'yong-sa'yo
Chorus
Giliw, mukha ba 'kong 'di kasugal-sugal?
Giliw, hindi mo ba 'ko papanindigan?
Ano pa ba ang hanap mo?
Sabihin mo lang kakayanin ko (Magsabi ka lang, magsabi ka lang)
Post-Chorus
Aamin na 'ko, hindi pa tayo
Ang labo-labo, isa lang ang klaro
Sa'yong-sa'yo na ako (Magsabi ka lang, magsabi ka lang)
Bridge
Wala kasing bawal
Takot siguro sumugal
Unang mahulog ay talo
Seryosong may halong laro
Outro
Aamin na 'ko, hindi pa tayo
Ang labo-labo, isa lang ang klaro
Sa'yong-sa'yo na ako, oh, ooh-ooh